(# Remember: Para lang sa taong hobby ay ang UMAASA)
CRUSH.
Siya yung taong gusto mong makita palagi. Yung konting tingin at pansinin kalang niya, halos mamatay kana sa kilig. Isa siya sa mga inspiration mo. Pero diba, mas masaya kung yung crush mo… ay may gusto rin sa’yo. Gusto mo bang malaman kung crush ka rin niya?
Tutulungan ka namin. Heto ang ilang tips na TALAGANG makakatulong sa’yo para malaman mo kung crush ka rin ng crush mo.
TIP #1.
Titigan mo si fafa- ay este yung crush mo. But take note, dapat naka talikod siya sa’yo. Umaasa kalang naman diba? And then magbilang ka up to 5 seconds at sabihin mo tumingin siya sa’yo! Sa isip lang ha, baka lakasan mo, mag-mukha ka pang tanga. At kapag lumingon siya sa’yo, ibig sabihin crush ka rin niya. Oh diba? Kinilig ka.
TIP #2.
Oh bes, gusto mo ba talagang malaman kung crush ka rin ng crush mo? Ito pa, i-chat mo siya. Sabihin mo “Hi! Kamusta?” haha ikaw bahala. At kapag nag-reply siya sa’yo ng mabilis at mahaba with smiley emoticon pa, haha ‘lam mo na… interesado siya sa’yo. Opppss.. napangiti ka? Bakit, nangyari na ba yan sa’yo? Ay sus charot! Eh di ikaw na!
TIP #3.
Wait there’s more, magsakit-sakitan ka tapos tabihan mo siya. Tapos um-acting ka yung pang best actress talaga. Iparinig mo s akanya ang sakit na iyong nararamdaman with matching hugot pa.
For example, “Aray..bakit kasi pag nagmamahal kailangan pang masaktan. Uggh! ang sakit tuloy ng puso ko- ah I mean ng ulo ko pala.”
Oh bes! Take note, huwag pabebe ha. Baka di lang sakit ng ulo ang makuha mo. Haha labyah bes! :*
And then pagna-feel mong concern sya sa'yo, ‘di SWERTE MO!
TIP #4.
Desperada kana ba talagang malaman kung crush karin niya? Oh well, kapag nasa classroom kayo at wala namang teacher, yayain mo yung mga classmates mo na maglaro ng ‘Spin the Bottle’. Syempre dapat kasama siya.Ano pang sense ng game kung wala sya diba? Tapos pag ikaw na ang magpapaikot, dayain mo. Please lang.. gumawa ka ng paraan para siya ang ma-point ng bottle. And then, kapag siya talaga ang na-point ng bottle, Tadah!! Bes, pagkakataon mo na this! Wala ng keme-keme. Itanong mo na sa kanya kung sino ang crush niya! At kapag sinabi niya na ikaw ang crush niya, aba’y mag-paparty kana! Tumalon-talon ka sa harapan niya tapos sabayan mo pa ng pag-sayaw ng ‘twerk’. Pustahan ma-iinlove sya sa’yo. Di joke lang. Syempre baliw ka rin kung gagawin mo ‘tong sinasabi ko.
TIP #5.
Kung hindi pa rin effective ang mga nauna kong tips, UMAMIN KANA. I know na hindi maganda kung babae ang unang mag-confess ng feelings sa lalaki, but ito nalang ang alam naming tanging paraan para malaman niya na. Kung sakaling aaminin ka man sakanya, dapat kausapin mo sya sa lugar na kayo lang dalawa. Kasi kapag may ibang nakarinig sa pag-confess mo sa kanya tapos waley pa ang naging sagot niya sayo… tsk, nakakahiya yun! Tapos ayun na nga, ang una mong gawin ay sabihin sa kanya; kung kailan mo sya nagustuhan, anong nagustuhan mo sa kanya. Basta bahala ka na kung anong gusto mong sabihin sa kanya. Ikaw naman ang aamin eh. And after you confessed, antayin mo kung anong magiging sagot niya. Kung ‘The Feelings is Mutual’, edi congrats! Ikaw ay pinalad ng isang magaspang at makalyong kamay hahaha. ^_^V
At kung halimbawa naman na negative ang naging sagot niya, okay lang yan bes. Marami pa dyang iba. Mang-hunt ka nalang ulit ng gwapo/maganda. At maghanap ng panibagong CRUSH. Bwahahaha! (evil laugh)
PS: Pasensya na, sadyang baliw lang kami :D
PSS: Hindi naman masama ang magka-crush, basta ba huwag mo ring pababayaan ang pag-aaral mo. :)
haha thankyou sa mga kalokohan na tips!!!
TumugonBurahinhuwaw!kabaliwan hahaha
TumugonBurahin